Add parallel Print Page Options

32 Magsisitayo sa paghuhukom (A)ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: (B)sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.

33 Walang taong pagkapagpaningas niya ng (C)isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw.

34 Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong (D)mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwa't kung ito'y may sakit, ang katawan mo nama'y puspos ng kadiliman.

Read full chapter